Miyerkules, Mayo 11, 2016

Ang Pinaka-paborito Kong Tula

INAY
(ni Deus Quitco)


PAG-IBIG
(Jose Corazon De Jesus)

ITANONG MO SA BITUIN
(Jose Corazon de Jesus)

ANG POSPORO NG DIYOS
(José Corazón de Jesús) 

Friendship 
(Vener Santos)

Sa limang tulang ito, ang pinaka paborito ko ay ang  "Inay" (ni: Deus Quitco) sapagkat dito natin makikita kong paano tayo inaruga ng ating mga ina noong mga bata pa tayo hanggang sa pagtanda natin, sapagkat wlang ibang hiling ang ina kung hindi ang ikakabuti lamang ng kanyang anak. Kung kaya't  dapat nating saluduhan ang ating mga ilaw ng tahanan dahil kung hindi dahil sa kanila wala tayo ngayon sa napakarangyang buhay, sila ang gumagawa ng mga paraan kung tayo'y nagkakasakit. Sila yung nagbibigay ilaw sa ating mga madilim na daan kaya sama-sama tayong sumaludo sa ating mga ina at sabihing " Nay! ang aking ilaw" maraming salamat po at advance Happy Mother's Day.

INAY ni Deus Quitco
Sila ang nagdala, sila’y nahirapan,
Mga gawaing bahay, kanilang sinasabay.
Kahit na nangangalay, kahit na nasasaktan,
Ika’y iingatan, magpakailanman.

Sa eskwekahan, ika’y ihahatid,
Aayusin ang kwelyo, iiwanan ng halik.
Gagawan ng munting baon, upang hindi magutom,
Susunduin sa hapon, bubuhatin pauwi.

Siya’y nagalit, dahil nakipagtalo,
Pinatawag ng guro, natinik ang kanyang puso.
Humingi ng tawad, nanginginig ang tuhod.
Pinalo sa puwit, upang matuto.

Sinipon, inubo, nilagnat ng todo,
Siya’y natakot, sumasakit ang puso.
Dinala sa pagamutan, luha ay tumutulo,
Di mapakali, nagdasal ng lubos.

Ganon nila tayo kamahal,
Minsa’y magkakatampuhan, minsa’y naghaharutan.
Gagawin ang lahat, para may maibigay,
Yan si Inay, si Inay na mapagmahal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento