Lunes, Mayo 16, 2016

Reaction on the poem "Kahit Saan" (Jose Corazon de Jesus)

Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo, hindi talaga maiiwasang may mga paasang tao, iyon bang sobrang umeffort kana tapos sa bandang huli hindi din pala makukuha. Tulad nalang ng gustong ipahiwatig nitong tulang "Kahit Saan" ni Jose Corazon de Jesus na tila baga'y isang taong may gusto o pwede ring pinapahalagahan siya ngunit siya'y patay na , kung siya'y dumaan ay doon siya'y nakatingin tila anghel na bantay ng bantay sa kanya kahit saan ngunit di ito nakikita ng kanyang pinapahalagahan sapagkat siya'y patay na kahit pumunta man lang sa puntod ay di magawa na ipinagdaramdam ng taong nagpapahalaga sa kanya. Ang gusto ko lang ipabatid sa lahat ng gustong bumasa nito ay bumasa ng may damdamin sapagkat ito'y napaka- importante na bumisita sa mga taong nagpapahalaga sa atin at gumagabay sa atin, hindi porket patay na sila ay hindi na sila binibigyan ng importansya.

KAHIT SAAN
(Jose Corazon de Jesus)
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!
Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!
Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!
Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento